Thursday, May 24, 2007

EMPTY

(may 24,2007[01:03-01:38am])


hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Gusto ko matuwa. Gusto kong ngumiti.
Pero bakit nauuna ang luha sa lahat?
Pinipilit ko lumaban para maipakita sa’yo na kaya ko,
Pero kahit ganun, alam kong mahna pa rin ako.

[refrain]
sana maramdaman mo ang nais kong ipahiwatig
para sa’yo… para sa’tin…
walang magbabago.

[chorus]
alam kong kahit ganito, masaya ang katapusan.
Ang bawat bagay ay may sariling kulay.
Nadarama ko ang malamig na hangin.
Lahat tayo ay may kakayahang awitin ang bawat awit.
Ayokong alallahanin ang bawat kamalian.
Hindi na ako nag-iisa
Salamat sa bawat salitang nagturo sa’kin ng lahat.


Alam mo bang para sa’yo ang kantang ito.
Gusto kong maramdaman mo ang bawat salitang nais kong sabihin.
Ayokong ispin mong nakakulong pa rin ako sa nakaraan.
Nais kong ipagsigawan sa lahat na nahanap ko na ang sarili ko.
Ang ngiti sa akin ngayon ay mas matimbang na kaysa sa naging luha ng aking puso.

[repeat refrain & chorus]

[bridge]
gusto kong hawakan ang iyong mga kamay.
Pagmasdan ang bawat ngiti sa’yong labi.
Makita ang saya sa’yong mga mata.
Sabayan ang bawat hakbang ng iyong mga paa.
Damhin ang bawat hiling sa’yong puso.
Mahalin ka ng walang katumbas kundi ang iyong kaligayan. . .kaibigan.

Ayokong alalahanin ang bawat kamalian.
Hindi na akonag-iisa
Salamat sa bawat salitang nagturo sa’kin ng lahat.


sana maramdaman mo ang nais kong ipahiwatig
para sa’yo… para sa’tin…
walang magbabago.

[maz mahirap mag-isip ng thoughts for tagalog song?
Anhirap kzi itugma nung ibang words..
Para kaninu nga ba tuh..?
Halata nmn dba..?
Heheh..]

No comments: